Cesar Montano, iwas pag-usapan sina Sunshine Cruz at Krista Miller

INABANGAN TALAGA ng Startalk si Cesar Montano sa premiere night ng pelikula niyang Alfredo S. Lim: The Untold Story nu’ng nakaraang Martes, para mahingan ng sagot tungkol sa isyung hiwalayan nila ni Sunshine Cruz, at ang mga sinabi ni Krista Miller sa The Buzz.

Pero flop ang mga reporters dahil wala talaga silang nakuhang sagot mula sa actor/director.

Nang tinanong ito kung darating ba si Sunshine, sagot lang niya, “Maraming salamat po sa lahat ng pumunta sa premiere night ng Alfredo S. Lim: The Untold Story.”

Nang hiningan din ito ng komento sa pag-deny ni Krista tungkol sa kanilang dalawa, wala rin siyang sagot, kundi “panoorin n’yo po ang pelikulang ito.”

Ayaw na raw talaga niyang magsalita dahil iniiwasan na niyang lumaki pa ang isyung ito, lalo na ang balitang nag-alsa-balutan na si Sunshine.

Sabi naman ng mga reporters at researchers namin sa Startalk, sa Instagram at Twitter lang daw nakukunan ng statement si Sunshine.

Nu’ng nakaraang Linggo nga na kung saan nagsalita si Krista Miller sa The Buzz, pagkatapos daw ng interview niya ay nag-post si Sunshine sa Instagram ng librong Lie Spotting, kung paano raw malaman na nagsisinungaling ang isang tao.

Siyempre, patama siguro ‘yun kay Krista na matigas na itinangging nagkaroon sila ng affair ni Cesar.

Hanggang ngayon ay inaabangan pa rin kung matuloy na nga ba talaga sa hiwalayan ang mag-asawa. Pero mas maraming naniniwalang magkakaayos pa rin ‘yang sina Cesar at Sunshine.

 

BONGGA ANG paghahanda ni Aljur Abrenica sa gagawin niya sa Magpakailanman dahil napaka-challenging ng role na gagampanan niya.

Isasadula kasi ng Magpakailanman ang kuwento ng buhay ng indie actor na si Kristofer King at si Aljur ang napili nilang gaganap.

Ang dinig ko nu’n, si Rocco Nacino ang gaganap, pero napunta ito kay Aljur.

Next week pa yata sila magsisimulang mag-taping pero ngayon pa lang ay todo ang paghahanda ng hunk actor.

Dating macho dancer si Kristofer, kaya may mga eksenang magma-macho dancing si Aljur.

Nag-aral pa talaga siya ng macho dancing para kapani-paniwala ang portrayal nito.

Nagdagdag pa sila ng acting workshop, at baka malait na naman si Aljur kung hindi niya ito gali-ngan.

Magaling na aktor pa naman si Kristofer King kaya dapat na convincing din ang pag-arte nito ni Aljur.

Malaking challenge ito sa hunk actor, kaya tama ngang paghandaan niya ito nang husto at galingan niya.

May mga nagsasabi kasing malapit na raw mau-ngusan si Aljur ng kapatid niyang si Vin Abrenica.

Parang ayaw ko naman maniwala diyan, dahil mas sikat pa rin namang ‘di hamak si Aljur kesa sa kapatid niya sa TV 5.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Cesar Montano, iwas pag-usapan sina Sunshine Cruz at Krista Miller

  1. BONGGA TALAGA HUH! AABANGAN KO YAN HAHA! SANA HUWAG PO ‘AKTING-KAHOY’ ANG IPAKITA HA? BAKA NAMAN MAMAYA AKTING-TUOD NA NAMAN ANG MAKITA HABANG NAGMA-MACHO DANCING SI ALJUR HAKHAK!

      • HAHA, LIKE NA LIKE YUN LANG NAMAN ANG AABANGAN KO EH, HINDI NA AKO MAGE-EXPECT SA ACTING KASI SURE NA MADI-DISSAPOINT LANG AKO

Leave a Reply

Your email address will not be published.