Cesar Montano, inaayos ang problema nilang mag-asawa
Sunshine Cruz, pursidigo nang humiwalay

KIYEME LANG kaya ‘yung sinasabi ni Heart Evangelista na hindi naman daw siya tutulong sa pangangampanya ni Sen. Chiz Escudero?

Naku! Tingnan na lang natin.

Kasi visible naman silang dalawa at kamakailan lang magkasama pa nga silang nagbakasyon sa Amerika.

‘Yun na raw ang Valentine’s at birthday gift ni Sen. Chiz sa kanya.

Marami raw kasi ang pumupuna sa kanila na parang ginagamit lang ni Sen. Chiz si Heart. Tiyak daw na pagkatapos ng eleksyon, maghihiwalay rin sila.

Hindi na lang daw nila pinapansin ‘yun. Sabi nga ni Heart, never daw siyang napakiusapan na sumama sa mga lakad na political ni Sen. Chiz.

Ayaw naman daw niyang sumama, at baka nga mapagsabihang ginagamit lang sa political career ng senador.

Hay, naku! Tingnan na lang natin kung saan ‘yan hahantong.

Heto pa nga, ‘day! Kuwento ng ilang staff ng Wattajob na hinu-host nina Heart at Chris Tiu, lagi raw silang tinutukso kasi bagay silang dalawa.

Puwede nga raw silang magka-loveteam, dahil parang may kilig sa kanilang dalawa.

Hindi raw apektado diyan si Sen. Chiz, dahil wala naman daw selos-selos sa kanila.

Pinag-uusapan na nga raw ang kasalan. Pero sabi ni Sen. Chiz, wala pa silang masasabi sa ngayon dahil siyempre una niyang sasabihin ‘yan kay Heart, bago sa atin.

 

NAG-REACT DAW si Sunshine Cruz sa mga sinabi ni Cesar Montano na kasalukuyang inaayos niya ang problema nilang mag-asawa.

Hindi raw siya papayag na magkasira silang mag-asawa. Kaya lang, ang narinig ko, parang pursigido na talaga si Sunshine na umalis.

Naghahanap na raw ito ng bahay na malilipatan, at inaayos na raw ng mga abogado ang legalities.

Ang focus na lang daw ngayon ni Sunshine, ang mga anak nila, at gusto na nga raw nitong bumalik at magpaka-active sa showbiz.

Meron na yatang gagawin ‘yan sa ABS-CBN 2.

Tingin ko riyan, tahimik lang muna ngayon si Sunshine para hindi na makaapekto sa pelikula ni Cesar na The Alfredo Lim Story.

Tingnan natin pagkatapos ng showing niyan.

May exclusive interview si Ricky Lo kay Cesar tungkol sa isyung ‘yan, kaya abangan n’yo ‘yan sa Sabado.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Cesar Montano, inaayos ang problema nilang mag-asawa
Sunshine Cruz, pursidigo nang humiwalay

Leave a Reply

Your email address will not be published.