Cesar Montano, ibinuko ng mga anak kay Sunshine Cruz na may ibang babae

TILA NAPUNO na raw si Sunshine Cruz sa pagiging faithful wife. Ang mga anak pa raw nila ni Cesar ang nagbukas sa kanya ng mata para mapagtanto na diumano may kinalolokohang babae ang husband.

Naging tiwala raw si Sunshine sa husband dahil sa kanilang mga anak na kahit ano ay gagawin para mabigyan ng maganda at masaganang buhay ang mga bata.

Pero lately ay mismong mga anak pa raw nila ni Cesar ang nagpakita ng ebidensiya kay Sunshine na may babae ang kanilang ama. Nag-iyakan daw ang mag-iina dahil sa masakit na natuklasan.

Nasabi pa raw ni Sunshine na matanda na siya kaya siguro… dalawang araw na raw hindi umuuwi si Cesar dahil pinalayas diumano ni Sunshine ito.

Kinausap na rin daw ni Sunshine ang kanilang mga anak at sinabi na wala na raw siyang magagawa para i-save ang pagsasama nila.

Umiyak daw ang mga bata pero naintindihan din daw kung anuman ang gagawing hakbang ni Sunshine. Kinausap na raw ni Sunshine ang abogado nito.

 

NGAYONG NASA Switzerland na si Sarah Lahbati, malabo na raw mahabol ng GMA 7 ito sa naturang bansa.

Ayon kay PAO Chairman Persida Acosta, malabong mahabol na raw ng GMA 7 si Sarah ngayong naka-balik na ito sa Switzerland dahil wala raw extradition treaty ang Pilipinas sa Switzerland.

Nangangahulugan na hindi na raw mapupuwersa ng korte ng ‘Pinas si Sarah na umuwi para harapin nito ang libel at civil case nito.

Tatakbo raw ang kaso pero hindi magagawa ng GMA 7 na paharapin si Sarah sa mga hearing o kaya ay mapanagot daw ito sa kaso sa oras na mapatunayang may nilabag ito sa kanyang kontrata dahil walang kapangyarihan ang ‘Pinas na mapauwi si Sarah.

Hindi nabasa ni Atty. Acosta ang pinirmahang kontrata ni Sarah sa GMA 7 kaya limitado lang ang paliwanag niya sa kasong kinakaharap ng controversial young star. Pero naniniwala si PAO Chairman na dapat tuparin ni Sarah ang pinirmahan nitong kontrata kung wala siyang nilabag sa contract.

Sabi pa ni Atty. Acosta, may posibilidad na manalo sa libel case ang GMA Films President na si Atty Annette Gozon-Abrogar laban kay Sarah ngayong pumasa na ang Cyber Crime Law. Sa Twitter kasi nagsimulang maglabas ng kanyang mga reklamo si Sarah at kabilang ang nasabing social networking sites sa hindi palalampasin ng korte sa libel case.

Samantala, bukod sa pagho-host sa TV ni Atty Persida Acosta ay posibleng mapasabak na rin ang Best Public Service Host sa PMPC Star Award for TV sa acting dahil sa mga offer na lumabas na rin sa pelikula.

 

WALA KAMING galit o tampo kina Angeline Quinto at Sam Milby para iparating na huwag nang magpahayag na kesyo type nila ang isa’t isa.

Eh, malinaw pa sa sikat ng araw na kaya sila nagbibigay ng pahayag na type nila ang isa’t isa ay dahil magkasama sila sa isang serye.

Hindi na puwedeng paikutin ang viewers para mapag-usapan ay gagawa ng kung anu-anong gimik.

Dapat gandahan na lang ang istorya ng gagawin nilang serye para abangan at panoorin ito.

Sa tema naman ng serye nila ay tila kakaiba ito at maganda ang itinatakbong istorya.

Tigilan ang paggawa ng gimik para lang mapag-usapan.

 Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

4 thoughts on “Cesar Montano, ibinuko ng mga anak kay Sunshine Cruz na may ibang babae

  1. pinagmamalaki pa sa pokpok na krista animal_er ba iyan? sinisira nya ang isang pamilya, ito naman si cesar buti nalang di ka nanalo doon sa bohol, taga bohol din ako dong ang kapal ng mukha mo dati gusto ka namin pero ngayon sa ginawa mo pwedi ba wag kana umuwi ng bohol..
    Wag na natin syang suportahan mga show nya, masamang tao masamang halimbawa sa mga tao itong gonggong na ito..naawa kami kay shine ginawa nanga nya lahat ano paba kulang?kasi di marunong makontinto animal na ito

Leave a Reply

Your email address will not be published.