Cesar Montano, ‘di maamin ang pagkakamali

KALOKA ITONG starlet na si Krista Miller.

Nagpa-interview ng one on one kay Boy Abunda sa The Buzz pero wala namang sinagot sa akusasyon sa kanya na homewrecker siya, kabit ni Cesar Montano at kung anu-ano.

Sa kabila ng mga previous messages niya sa Tweeter at Instagram photos na pinu-post sa mga social network na naging dahilan ng matinding away ng mag-asawang Cesar at Sunshine Cruz, sagot ng lang niya, hindi niya alam. “Walang katotohanan,” sabi niya tungkol sa akusasyon sa kanya.

Dahil sa kanya, naghiwalay sina Cesar at Sunshine na pati ang mga dalagitang mga anak ng dalawa ay apektado.

Hindi raw siya nagpapadala ng provocative photos at messages para kay Cesar. Tawag nga niya sa aktor, Direk Cesar.

Siguro, ngayon natauhan si Krista na ang panggagamit ng ibang tao sa showbiz ay walang kapupuntahan.

Oo nga’t naging instant “starlet” siya mula nang pumutok sa social network ang mga litrato ng mga regalo ni Sunshine sa mister niya na ipinang-regalo naman ng aktor sa kanya, may stigma na ang pangalan niya.

Kapag binabanggit ang pangalan niya, kakabit ang tawag na “maninira”, starlet na naki-ride on sa popularidad ng isang mas sikat na artista.

Kung hindi ba naman dapat kutusan itong si Krista, kung matalino nga lang marahil siya, umangat na siya nang husto sa simpleng intriga sana na p’wede niyang sakyan na hindi masisira ang reputasyon niya (kung meron man).

At para kay Buboy, huwag mong sisihin ang media na nagbibigay ng opinyon nila sa isyu.

Ikaw ang nangaliwa – ayon sa misis mo, tanggapin mo ang ang opinyon ng publiko. Artista ka kasi.

Pero until now, habang isinusulat namin ito, never kong narinig na inamin ni Buboy na may pagkakamali siya. Hindi ko man lang narinig ang isang simpleng pag-amin sa isang pagkakamali ng mister sa kanyang misis at pamilya.

Mabuti pa si dating President Bill Clinton ng Amerika, inamin na pinaglaruan ni Monica Lewinsky ang “jun-jun” niya noong nakapuwesto pa siya sa White House.

At least si Bill, inamin ang pagkakasala sa misis niya kaya tapos ang usapan.

 

TALKED OF the town at sa mga social network ang gay cutie na si Sebastian Castro dahil sa kanyang music video na Bubbles na nakakuha ng ilang hit sa loob laman ng ilang araw.

Dahil guwapo, pinagkakaguluhan siya ngayon ng mga bekies at maging ang mga kababaihan kahit inamin niya in a separate video ang kanyang confession that he is “one of us” in short bekie rin siya.

Last Sunday sa HOT TV ng Kapuso Network, tila misoriented sina Regine Velasquez at Roderick Paulate kung ano ang dahilan ng pagge-guest ng latest social network sensation.

Hindi rin nila alam kung ano ang “Bubbles” MTV ni Seb (his nickname) kung kaya’t nawawala ang dalawa sa interbyuhan.

Sa susunod, dapat i-brief ng mga writer ng show ang mga co-host or interviewer lalo pa’t wala silang kaide-ideya who Sebastian Castro is.

Pero mas type ko na si Raymond Gutierrez ang nag-interview kay Seb kaysa kay Regine at Kuya Dick na maging kami, nahilo sa pagkawala niya sa interbyuhan session.

 

SABI NG isang Kapatid Network insider, dapat magpapayat si Claudine Barretto bago muli siyang bigyan ng panibagong project kung saka-sakali.

Sa katawang lumba-lumba ni Claudine, nagdo-doble ang lapad niya on screen (additional of 20 pounds) kasi.

Unless she will accept roles as a young mom ng mga bagets star ng TV 5, why not?

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “Cesar Montano, ‘di maamin ang pagkakamali

  1. 1. in fairness guwapo itong sebastian ek-ek na ito huh! halata ngang bekibels hekhek! 2. balitang babalik daw si claudine sa ABS-CBN, may babalikan pa ba ang negastar na yan? 3. wala, hindi aamin si cesar ng mga kalokohan niya, playboy is always a playboy haha!

  2. WELL, SYEMPRE NAG-DENY SI KRISTA MILLER. SO, WALA RING AAMININ SI CESAR. GETCHING? TEKA, PARANG ANG PANGALANG “KRISTA” EH ASSOCIATED SA MGA OTHER WOMEN.

    KOREK KA JAN. WATCH KO RIN ANG HOT TV AT CLUELESS NA CLUELESS SINA REGINE AT RODERICK SA ISSUE NI SEBASTIAN CASTRO. AT YUNG BINABASA NI RODERICK NA CUE CARDS, JUICE MIO, HULING HULI SA CAMERA. AT MUKHANG DI NYA PA RIN NAKUHA. AT ITO NAMANG SI SEBASTIAN, GWAPO AT CUTE ANG LOLA. PERO KUNG GUSTO NYANG SUMIKAT DITO SA PINAS, BAWAS BAWASAN NYA ANG KANYANG PAGIGING AMERICANIZED AT UMAYOS SYA ACCORDING TO OUR CULTURE AND STANDARD. SA PAG-UPO NYA PA LANG, HE LOOKED LIKE HE WAS VERY COMFORTABLE TO THE POINT NA NAKA-SHORTS NA NGA SYA (AT MALAPIT NANG MAGING SHORT SHORTS YON), PATI LEGS NYA PA EH NAKABALANDRA. AND THE WAY HE RESPONDED TO REGINE AND RODERICK WAS SORT OF TASTELESS. BASTOS ANG DATING. OTHERWISE, HE HAS THE LOOK AND THE TALENT. PLUS THE FACT THAT HE’S A PRINCIPLED LGBT, HE WILL MAKE IT IN LOCAL SHOWBIZ. SANA NGA SI RAYMOND NA LANG ANG NAG-INTERVIEW SA KANYA. BAKA NAGKARON PA NG FIRE AND SPARK ANG INTERVIEW. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.