Cesar Montano and Sunshine Cruz split-up because of third party?

OLA CHIKA! NAI-CHIKA sa akin ng aking parazzi girl ang pagiging sugod-queen ng asawa ni Cesar Montano na si Sunshine Cruz. Kaya ito raw umano ang hindi minsan napagkakasunduang mag-asawa.

Nu’ng una nga, natsismis ang mag-asawa na hiwalay na, at nauwi rin naman daw sa magandang usapan at nagkabalikan. Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang natuwa.

Ngunit ewan ko lang, ha?! Dahil bumalik na naman daw si Sunshine sa dati nitong gawi, at palagi ngang nag-aaway raw ang dalawa.

Ang chika, ang mga babae raw diumano na nali-link sa TV host, agad na sinusugod ng maganda nitong asawa. Kaloka, Ha?!

At ‘eto pa, medyo nasa alanganin daw umano ang relasyon ng dalawa ngayon. Dagdag pa ng aking parazzi girl, naghiwalay na raw ang dalawa. Aray, naku! Nakakalerke, ha?!

Nu’ng nakaraang buwan, halos madalas makita si Sunshine sa taping ng The Singing Bee, ngunit ngayon, hindi na raw ito sumasama sa actor/ TV host. Babae nga raw ang dahilan. Kaloka, ha?!
Chika pa ulit, kumpirmado nga raw umano na tatakbo si Cesar sa pulitika sa susunod na taon sa Bohol. I’m sure, win ito! Hahaha!
‘Wag na kasing mag-ambisyon sa mataas na posisyon, kagaya ng dati, kaya ayun, tsug! By the way ang mahigpit nga raw na kalaban ng actor ay ang Bisayang si Amay Bisaya, na tatakbo rin daw sa nasabing probinsiya. Magkakasagupaan nga raw ang dalawa sa pulitika. Kaloka, ha?!

Ano kaya ang paliwanag ng mag-asawa sa isyung hiwalay na sila. ‘Yun na!

MARAMI ANG NANGHULA sa aking pitik-bulag noong nakaraang araw, kung saan naisulat ko rito sa Pinoy Parazzi ang tungkol sa sikat na hunk actor na may sex video rin.

Kaloka! An’daming nag-text at nag-e-mail sa akin, kaya ayun, halos napuno ang e-mail ko ng mga message. ‘Yung iba nga, concern, at ‘yung iba naman, gusto lang makahingi ng copy. Pero sorry na lang, at hindi puwede. Hahaha! Naku, ha?

Nakakasawa na ‘yang mga sex video na ‘yan. Dapat patayin na ang mag isyung ganyan kung saan sirang-sira na ang mga artista ng bansa natin. Marami pang isyung puwedeng tutukan. Pati nga ‘yung mga pulitiko, nakikisawsaw na rin, huh! May puwede namang pagtuunan ng pansin. May A H1N1 virus, at ang balik-eskuwela ng mga estudyante. Kaloka, ha?!

Kaya tigilan na ‘yan. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “Cesar Montano and Sunshine Cruz split-up because of third party?

  1. Palagi na yatang nagaaway tong mag-asawa. Kakalokah! E mas mabuti na lang maghiwalay na lang. Sino sa palagay nyo ang insecure jan? Binabantayan na nga ni Mrs si Mister 24 hrs 7 days a week pati sa Singing Bee nakatutok sis Mrs–di pa rin kuntento. Mind boggling talaga!

  2. hayaan nyo na yan ganyan talaga angmga lalake mag sasawa rin yan babalik din yan kay sunshine,,,,,,kung d pahuli ang lahat….

  3. mabait naman si sunshine e, hindi sya showbiz, nakipag kwentuhan pa yan sakin saglit minsan. pero malamang magagalit yan sa mga babae ni cesar. kasi naman, lubayan na ang may asawa hehehe

  4. kilala ko girlfriend ni Cesar… Flight Attendant ng Etihad Airways.. Aillyn Arcinas ang name… sana matalo sya sa election…

Leave a Reply

Your email address will not be published.