Cesar Montano, aligaga sa paghahanap ng tulong para sa kababayan sa Bohol

Cesar-MontanoPANIBAGONG TRAHEDYA na naman itong nangyari sa bansa natin kaya ang daming nagtatanong, ano pa kaya ang kasunod na darating sa atin?

Nakakaloka, dahil sunud-sunod na ito pagkatapos ng baha, lindol naman ngayon. Mabuti lang at dumating si Megan Young nu’ng nakaraang linggo kaya kahit papa’no, napagaan naman ang nararamdaman natin.

Ang dami ngang nanghinayang sa mga nasirang simbahan sa Bohol, at pati ang Chocolate Hills na sikat na sikat sa buong mundo ay nasira rin ang viewdeck nila roon, kaya matagalan pa ito bago mapuntahan uli ng mga turista dahil kailangan pang ayusin.

Ang sobrang apektado at aligaga ngayon sa paghahanap ng tulong ay ang lehitimong Boholano na si Cesar Montano.

Abalang-abala siya sa taping niya sa Akin Pa Rin ang Bukas, pero nagagawa pa niyang magbuo ng isang fund-raising project para may maibigay siyang tulong sa mga nasalanta roon sa Bohol.

Alam daw niya at naikot daw niya ang mga lugar na nasalanta ng lindol kaya nalulungkot siya dahil mahirap na raw ang lugar na ‘yun  at nangangailangan na nga ang mga tao roon, tapos mangyayari pa ito sa kanila.

Kaya nakabuo siya ng mini-concert na gagawin sa Teatrino sa Ocotber 25 para maka-raise sila ng pondo na ipadadala agad sa Bohol.

Mabuti’t nagpadala na raw ng mensahe ang mga karamihan niyang kaibigan sa showbiz na sasali sila. Ilan sa mga nangako ay sina Ogie Alcasid, Joey Ayala at marami pang close friends niya.

Inaasahan niyang sasama rin ang mga artistang taga-Bohol kaya sana makalikom nga siya nang malaki-laki para marami silang matulungan doon.

Si Sunshine Cruz kaya sasama riyan? Kasi pati nga siya ay nagpu-post sa Instagram account niya na nalulungkot siya sa nangyari sa Bohol, kaya dapat tumulong siyam, ‘no!

 

TAMANG-TAMA NAMANG nagkalindol, nagsimula itong Genesis ni Dingdong Dantes na may lindol, may mala-end of the world ang drama sa pilot episode nito.

Pero in fairness, ang ganda ng pagsisimula ng Genesis at dito mo talaga nakita kung gaano kamahal ng GMA-7 si Dingdong dahil ginastusan talaga nang husto ang seryeng ito.

‘Di ba sabi nga ni Dingdong, may isang eksena sila na apat na araw yata nilang tinape ‘yun. Kaya madugo talaga!

Ang isa pang napansin ko, sobrang guwapo rito ni Dingdong at ang galing niya! Pati nga si Rhian Ramos, ang ganda rin na magaling ding umarte, huh! Nakikita mo talagang may chemistry silang dalawa dahil kitang-kita mo sa kuwento na sobrang in love na in love silang dalawa.

Naku, day! Huwag na lang sigurong panoorin ito ni Marian Rivera at baka mag-emote na naman siya. Pagseselosan niya tiyak ang mga intimate scenes nina Dingdong at Rhian. Pero baka du’n lang sa pilot ‘yun. Tingnan na lang natin ang mga kasunod na mga eksena.

Naaadik na ako sa Genesis na, ‘to!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.