Certified Kapamilya na pero… Paulo Avelino, kinabahan kay Coco?

NATULOY NA ANG pag-o-ober da bakod ni Paulo Avelino sa kaharian ng ABS-CBN at tuluyan nang nilayasan ang GMA-7. Kumalat din ang chikang tumataginting na P4M na guaranteed contract sa kanya ng Siyete para lang mag-stay at huwag lumipat sa kalabang istasyon subalit wala ring nakapigil sa paglisan ni Papa Paulo at ‘di na nagpatumpik-tumpik pa. Tama ang desisyon ng young actor dahil sayang ang opportunity. Chance na para mag-grow bilang isang tunay na aktor na ayon sa bali-balita eh, gagampanan daw niya ang isang mapanghamong papel kasama ang Kapamilya award-winning actor na si Coco Martin sa bagong teleseryeng gagawin ng huli. Hmmm… ‘di kaya kabahan si Papa Paulo na maka-eksena si Papa Coco?

Photos by Ricky Agapito, Mark Atienza, Ronnie Bernaldo, Luz Candaba & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

5 thoughts on “Certified Kapamilya na pero… Paulo Avelino, kinabahan kay Coco?

  1. CONGRATS PAULO AT LEAST NAGISING KA NA RIN. GOOD MOVE PARA SAYONG CAREER ANG GINAWA MO. KAYA AKO NEVER AKONG NANINIWALA SA RATINGS NA PINAGGAGAWA NG AGB NA NUMBER ONE KUNO ANG GMA!!!!! NUMBER SA KANGKUNGAN!!!!HAHAHAHHAHAHAHAA

      • well its true that he grew when we transferred to abs. but talking about the tv ratings . agb is really reliable .. many companies including tv5 and 101.9 are subscribing to it . so arent they giving us the correct information? while abscbn is the one and only subscriber of kantar media .:)

  2. GOOD DECISION ANG GINAWA NI PAULO SA PAGLIPAT SA ABS PARA MAHASA ANG ACTING SKILLS NIYA DAHIL IN FAIRNESS MAGALING UMARTE SI PAULO KESA KAY ALJUR NOH!