CERTIFIED GOOD BOYS: Walwal Boys Elmo, Kiko, Jerome and Donny on Safe Sex

Walwal Boys Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pangilinan and Jerome Ponce

IBA ANG KAKULITAN ng mga millennials na ito. Kulit na iisipin mo na mga “Walwal” sila lalo pa’t  nagsma-sama na sila off-cam. Nagkaroon kasi sila ng bonding na matapos i-shooting ang pelikula ay naging magkabarkada sila.

Saksi kami sa pagiging buddies nila at pagiging close sa isa’t isa since nagkasama sila sa pelikulang Walwal ni Direk Joey Javier Reyes tungkol sa buhay ng magkakabarkada at college boys na ang buhay nila ay kapupulutan ng aral.

 Sa edad nina Elmo, Kiko, Jerome at Donny ay edad na de peligro ika nga. Maraming tukso na kung mahina-hina ka, malamang sa hindi ay bibigay ka na ang buhay mo ay baka malagay sa alanganin.

Ang tinutukoy ko ay ang usaping ‘sex’ na sa edad nila at sa realidad ng mundo, normal na pinaguusapan ito ng mga kabataan na ka-same age bracket ng mga “Walwal Boys”.

Para kay Elmo na anak nina Francis “Kiko” Magalona at Pia Magalona na pinapaalala ito ng kanyang ina.

 “It’s the same din na my parents naman, hindi naman ginawang it’s a serious na ganito tayo. Dumating kami sa point na rightful age na when I turned 18, sinabi sa amin, ‘You always be safe.’ Ganyan lang.

“It was never really sobrang tense na usapan. They implied sa amin na what we need to do para maging responsible.”

Si Elmo ay 24 years old na at ang usaping ito ay napapagaralan naman sa school.

For Jerome na one-year younger kay Elmo ay mula sa kanyang ama natutunan ang isyu.

WALWAL Boys Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pangilinan and Jerome Ponce

Paliwanag ng binata: “Ako naman kasi, hindi ko kailangang magtanong, hindi rin ako humingi ng tanong kasi hindi ko pinapasok ang mga ganyang bagay na… ibig kong sabihin, hindi  ko kailangang alamin o pag-aralan o ano, if it comes, it comes.

Dagdag pa ni Jerome: “Safety, syempre nag-aaral tayo, education nga naman. Alam natin yan.“Safety lang po, yon. Ako, hindi kailangan ang tulong ni Papa, ni Mama. Sa school naman itinururo.”

At si Kiko, pabirong pahayag niya “Naaalala ko ang sinabi sa akin ng nanay ko, ‘Ikandado mo ang zipper mo,’ eksena yon sa movie,” sabi ng binata na reading between the lines ay alam mo na alam ng binata nina Gary Estrada at Cheska Diaz ang gagawing pag-iingat

The youngest na si Donny who is 20 years old ay openly pinaguusapan ang isyung ito ng kanyang pamilya at hindi itinatago.

Paniwala ng binatang anak ng dating aktres na si Maricel Laxa at Anthony Pangilinan tungkol sa isyung ‘sex’: “I think the biggest message my parents taught me is think before you act; na lahat ng gagawin mo there are specific consequences.”

Dagdag pa ni Donny sa usaping ito: “Something will happen out of this, so always be cautious of the situation you are in. Be aware of what you do.”

WALWAL Boys Elmo Magalona, Jerome Ponce, Kiko Estrada and Donny Pangilinan

Silang apat, responsible bilang mga binata. Iba na rin ang maingat kaysa sa ‘makabuntis’ na wala sa oras. Madaming masasayang.

Sa pelikulang Walwal na produced ng Regal Films ay kasama ang usaping ‘sex’ sa tatalakayin.

Makakasama nina Elmo, Jerome, Kiko at Donny ang mga ‘Walwal Girls’ na sina Kisses Delavin, Jane de Leon, Sophia Senoron, at Devon Seron. Showing na ang millennial version (2018) ng pelikulang “Pare Ko” na WalWal sa June 27 sa mga sinehan nationwide.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.