CERTIFICATION PARA SA PROTEKSIYON

BALAK KO PO sanang magtrabaho sa Vietnam. Maayos po ba ang kalagayan ng mga manggagawang Filipino roon? – Abring ng Diliman, Quezon City.

DAHIL SA KAKULANGAN ng detalye sa iyong tanong, ang gagawin ko na lang ay ipaliwanag sa iyo ang mga bagong patakaran ng gobyerno tungkol sa deployment ng mga Pinoy sa ibang bansa.

Kamakailan ay ipinalabas sa ilalim ng RA 10022 ang bagong patakaran tungkol sa pag-iisyu ng certification kung maayos ba o hindi ang mga bansang pangkaraniwang pinapadalhan natin ng mga OFW. Sa ilalim ng batas, ipadadala lang ang mga Pinoy sa mga bansang naaalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga Pinoy.

Ang Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng mga embahada nito ay magsasagawa ng survey ng mga bansang nasasakupan nito. Sa pamamagitan ng survey, aalamin kung (1) ang receiving country ay may mga umiiral na labor and social laws na nangangalaga sa mga migrant workers; (2) ang receiving country ay signatory sa mga kasunduan o tratado hinggil sa proteksyon ng mga migrante; (3) ang bansa ay may bilataeral labor agreement sa Pilipinas para sa proteksiyon ng mga OFW at; (4) ang receiving country ay nagsasagawa ng mga positibong hakbang para mapangalagaan ang mga Pinoy OFW.

Ilalagay sa certification kung anong tipo ng manggagawa (kung ito ay professional, semi-skilled, unskilled, o household service worker) ang protektado sa nasabing bansa.

Ang nasabing survey ay isusumite ng DFA sa POEA na siya namang magdedesisyon kung protektado ang ating mga OFW sa nasabing bansa. Ang deadline sa pagsusumite ng nasabing certification ay sa November 11 (para sa mga bansang may embahada) at December 11 (para sa mga bansang walang embahada).

Sa kasalukuyan, ang DFA ay nakatanggap na ng certification mula sa mga sumusunod na bansa: Cambodia, Timor-Leste, Kuwait, Laos, Myanmar, Ireland, Saipan, Norway, Syria at ang binabalak mong puntahang Vietnam.

LIBRENG PAYO! I-TEXT NiYO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

Ayuda sa OFW

Ni Atty. Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.