Centralized Payroll sa Gov’t Employees, Tuloy na

IPINAGTANGGOL NG Palasyo ang centralized payroll system ng mga government wokers na nakatakdang ipatupad simula sa susunod na taon.

Aabot sa P700 billion ang sahod ng mga nasa gobyerno.

Ayon kay Budget Sec. Florencio Abad, layon ng bagong sistema na magkaroon ng mas transparent na payroll o pagpapasahod habang nabubura na rin ang mga “ghost employees” sa mga ahensya ng pamahalaan.

Sinabi ni Abad na walang katotohanan ang pinapakalat ng oposisyong ilalagay sa iisang bank account ang payroll dahil bawat empleyado umano ay magkakaroon ng sariling account.

Maiiwasan na rin umano ang taunang suliranin sa hindi naire-remit na Government Service Insurance System (GSIS) premiums at withholding taxes.

Samantala, maliban sa oras na matitipid, maiiwasan na rin daw ang tukso ng korapsyon dahil mula National Treasury, diretso na sa empleyado ang kanyang sahod.

“State workers will have individual bank accounts, but their salaries will come direct from the Treasury,” ani Abad. “Government agencies will still prepare the payroll but they will not handle the cash. This will ensure that there will be no more ghost employees. This will hasten the payroll process.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.