Central Luzon, 2 ulit inuga

DALAWANG BESES inuga ang Zambales at mga karatig nitong lugar sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang unang pagyanig na may lakas na magnitude 5.3 bandang alas-4:12 ng ma-daling-araw.

Natukoy ang epicenter nito sa layong 85 kilometro sa timog kanluran ng Iba, Zambales. May lalim itong 33 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Ang ikalawang lindol naman ay may lakas na magnitude 3.7. Naitala naman ito ganap na alas-4:48 ng madaling-araw. May lalim lamang itong 14 kilometro at maituturing na mababaw.

Nabatid na kagaya ng unang pagyanig ay tectonic din ang pinagmulan nito o resulta ng paggalaw ng tinaguriang Manila Trench na nasa West Philippine Sea.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.