Centenarian Bill, Ibinasura ni Pnoy

IBINASURA NI Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang panukalang batas na magbibigay sana ng benepisyo sa mga centenarian o mga Pilipinong edad 100 pataas.

Ito ang kinumpirma ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Sinabi ni Valte na pangunahing rason ni Pangulong Aquino ang nasasaad sa panukala na bibigyan ng 75-percent discount sa mga goods and services ang centenarians.

Ayon kay Valte, nalalakihan ang Pangulo sa diskuwento at mabigat ito para sa mga negosyante lalo’t hindi ito maaaring isama sa tax reduction.

Hinimok naman ng Palasyo ang mga mambabatas na muling ihain ang panukala sa 16th Congress.

Una nang sinisi ni Cong. Edcel Lagman ang pangunahing nagsulong ng panukala na si Senador Kiko Pangilinan sa pagsisingit ng nasabing probisyon.

Samantala, dahil aniya sa pagbasura ng Pangulo, 7,000 centenarian ang hindi makatatanggap ng mga benepisyo tulad ng P100,000 cash gift mula sa gobyerno.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Centenarian Bill, Ibinasura ni Pnoy

  1. masyadong malaki yung 75 percent eh pwede nila gawin mag grocery araw araw 75 percent menos sa bayad tapos tinda nila sa sarisari store yung nabile 100% laki na kita nila dami pinoy na mauutak at nasa isip eh makalamang, dapat ibang benepisyo binigay tulad ng 100% libre ospital monthly allowance sa gobyerno para may pambili sila gamot at panggastos yan sigurado di maaabuso na benepisyo

Leave a Reply

Your email address will not be published.