Cement mixer, Sumabit sa Kable ng Kuryente; 2 Poste, Bumagsak

DALAWANG KONKRETONG poste ang bumagsak matapos sumabit sa kable nito ang isang 10-wheeler cement mixer truck sa Cubao, Quezon City.

Halos hindi madaanan ang kanto ng General Romulo at P. Tuazon sa lugar dahil sa bumagsak na mga poste bukod pa sa nakahambalang na sala-salabat na kable ng kuryente, telepono at cable.

Bumagsak pa sa bubong ng kotseng may plakang TJJ 819 ang mga kable. Wala namang nasaktan sa mga sakay nito.

Sinisiyasat na ang drayber ng trak na si Faustino Sapangan Mejia Jr. na posibleng maharap sa kasong damage to properties.

Samantala, dumating din sa lugar ang mga tauhan ng Manila Electric Company (MERALCO) para ayusin ang mga bumagsak na poste.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.