Cellsite on wheels, pabor sa mga apektado ng baha

MALAKING TULONG PARA sa mga residenteng binaha sa Northern at Central Luzon ang “cellsite on wheels program” ng mga telecommunications company.

Ang cellsite on wheels ay isang paraan upang mapanatiling buhay ang signal ng telcos, kahit sira ang kanilang mga relay station.

Nabatid na ang mga mobile cellsite ang siyang nagbabato ng signal sa mga kalapit na tower na hindi naapektuhan ng sama ng panahon.

Malaking bagay para sa kanila ang linya ng komunikasyon sa oras ng ganitong trahedya, ayon sa pahayag ni Gemma Torres ng Sukol, Calumpit, Bulacan.

Nangako naman ang mga kumpanya ng komunikasyon na magbibigay sila ng libreng tawag sa mga binahang lugar upang makaugnayan ng mga biktima ng baha ang kanilang mga kaanak. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.