Cellphone, Bawal na sa Oras ng Trabaho – BI

IPINAG-UTOS NI Bureau of Immigration (BI) OIC Commissioner Siegfred Mison sa lahat ng immigration personnel sa Ninoy Aquino International Airport at sa iba pang paliparan sa bansa ang pagbawal sa paggamit ng cellphone habang naka-duty bilang bahagi ng paglaban ng ahensya sa korapsyon.

Pinadedeposito sa mga empleyado ang kanilang cellphone sa locker o pansamantalang pinaiiwan sa kanilang mga supervisor.

Nilinaw ni Mison na partikular na sakop ng nasabing kautusan ang lahat ng Immigration officer na nakatalaga sa arrival at departure counter na siyang araw-araw na humaharap sa libu-libong mga pasahero.

Kabilang din sa kautusan ang mga team leader ng Travel Control and Enforcement Unit, maging mga acting immigration officer at confidential agent na nakatalaga sa mga Pinoy counter.

Sa oras naman ng emergency, maaaring makigamit ng cellphone ang mga empelyado sa kanilang supervisor.

Samantala, nabatid na gumagamit ng cellphone ang ilang tiwaling Immigration official para kausapin ang ka-sabwat na pasahero na iligal na aalis o babalik sa bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.