Celebrity Look-A-Like ng Amazing Philippine Beauties!

BONGGA ANG LINE-UP ng mga kandidata ng 2011 Amazing Philippine Beauties na magkakaroon ng Pre-Pageant Night sa Nov. 12 at Grand Coronation Night sa Nov. 19 sa Manila Film Center, CCP Complex, Pasay City. Ito ay hatid ng Center For Philippines Arts & Cultural Entertainment Ass. Inc. at sa pakikipagtulungan ng Pasay City Tourism Cultural Development Office.

Mula sa 25 naggagandahang kandidata, isa ang mananalo at tatanghaling Amazing Philippine Beauty 2011 at kokoronahan ng last year na si Belo Ann Francisco na Angel Locsin look-a-like at tubong-Batangas.

Katulad ni Belo Ann na kamukha ni Angel Locsin, ilang kandidata rin ang may kanya-kanyang kamukhang artista katulad nina candidate no. 1 na kamukha ni Toni Gonzaga, samantalang Solenn Heussaff look-a-like naman ang candidate no. 2, habang kamukha naman ni Aubrey Miles si candidate no. 15.

Iza Calzado look-a-like naman ang controversial candidate na si no. 7 na umaming dating young actor mula sa Kapuso Network, habang kamukha naman ni Yaya Moi (ni Piolo Pascual) ang candidate no. 17. Kahawig naman ni Mariz ang candidate no. 22, SexBomb Myka look-a-like naman ang candidate no. 23 at Dindi Gallardo look-a-like naman ang candidate no. 10.

Photos by Luz Candaba

By John Fontanilla

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Celebrity Look-A-Like ng Amazing Philippine Beauties!

  1. Pingback: Celebrity Look-A-Like ng Amazing Philippine Beauties! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.