Blind Item: Celebrity icon at TV host, apektado sa global crisis?

MAHULAAN N’YO kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Naku, mga kafatid, maloloka kayo dahil hindi n’yo akalain na itong si male TV host  icon ay naghihirap na rin pala. Naku, ha! Apektado na rin ang celebrity icon na ito ng global crisis. Ha! HaQ! Ha! Akala ko ako lang. He! He! He! Kunsabagay, kahit saang lupalop ng mundo ay halos naghihirap na. Pero itong celebrity icon na ito ay sumasali na o dumadalo na rin ng mga presscon kahit kapirangot lang ang give. Naku, nakakaloka dahil mula noon pa ay hindi mo makikita itong si male celebrity icon na ito sa mga prescon. Ngunit ang nakakaloka ay itong icon na ito ay nagtataray pa. Kalerke, ha! Ang tinarayan nitong si male celebrity icon ay isa ring icon rin ng showbiz. Ha! Ha! Ha! Nag tarayan ang dalawa. Ano raw? Ha! Ha! Ha! It’s true mga kafatid dahil noong isang araw lang ay nagpa-presscon ang bagong pelikula ni actress icon. Sikat na sikat ito dahil bonga ang movie na ito. Dumating itong si male celebrity icon. Ang nakakaloka lang ay nag tanong na itong si celebrity icon kay actress. Sa haba ng sagot ni actress sa tanong ni male icon ay biglang humirit itong si male icon, “isa lang ang tanong ko ang haba haba naman ng sagot mo!” Naloka ang lahat at nagtinginan dahil ngayon nga lang nag-join ng presscon itong si male icon ay nagtaray  pa at ang tinarayan ay si sikat na actress icon rin. Kalerke, ha!

O, nahulaan n’yo na kung sino ito? Clue? Kasabayan ko rin ito sa showbiz mula nang mag-umpisa ako. Naku, ha,makatulog kaya kayo sa kakahula kung sino itong aking pinahuhulaan sa inyo?
by Tita Swarding

Related Post

loading...

8 thoughts on “Blind Item: Celebrity icon at TV host, apektado sa global crisis?

  1. there’s nothing wrong with it at least He works for the money, ang importante ay hindi niya ninankaw sa kaban ng bayan.

  2. si kuya grms nga,nasa dulo n ang clue.
    “Naku, ha,makatulog kaya kayo sa kakahula kung sino itong aking pinahuhulaan sa inyo?”

Leave a Reply

Your email address will not be published.