Celebrity homes, for sale!

OLA CHIKA! SA wakas magkakaroon na rin ng pelikula ang nanay ni Manny Pacquiao, este, mommy pala na si Mommy Dionesia. Ipo-produce nga ang lola n’yo ng pelikula ng anak. O, laban ka?!

At take note, hindi pipitsugin ang role ni Mommy Dionesia, kundi ito raw ang gaganap bilang nanay ni BB Gandanghari. Bonggacious ang drama, ‘di ba? Ewan ko lang kung tanggapin ito ni BB Gandanghari, huh!

Pero ang nakarating na chika sa akin, pumayag na nga si Carmina Villaroel na magkasama sa trabaho ang asawa nitong si Zoren Legaspi at ang ex-husband niyang si Rustom Padilla, este, BB Gandanghari.

Noon pa nga raw kasi gustong makapareha ni BB ang asawa ni Carmina na si Zoren. Hmmm… I’m sure, type n’ya talaga si Zoren at hindi si Carmina. May ganu’ng factor talaga, oh! Si Zoren pa nga raw ang magdi-direk ng pelikula na ipo-produce ni Manny Pacquaio.

Bongga, ‘di ba? O, ano’ng ma-sey n’yo mga kafatid?

SPEAKING OF BB Gandanghari, bukod sa mga out of town shows, at iba pang raket, may bago itong pinagkakaabalahan. Nagpatayo nga raw ng magarbong bahay ang kapatid ni Robin Padilla, na nagkakahalaga ng P15 milyon. Aray, naku!

Napakalaki nga raw ng bahay na nasa Laguna, at take note, sa isang exclusive subdivision ipinatayo ng lola n’yo ang kanyang mansyon.

At hindi lang si BB Gandanghari ang may ganu’ng pinagkakaabalahan, dahil diyan sa Greenwoods Subdivision sa Pasig, halos magkakahilera ang bahay ng mga sikat na artista, gaya nina Piolo Pascual at Sam Milby. Ay, may ganu’n?! Magkatabi? Ooops! Wala akong ibig sabihin, ha? Nagkataon lang. Mayroon din daw bahay du’n ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago, at si Bea Alonzo.

Ang gimik ng mga ito, buy and sell. Bonggacious, ha?! Bukod sa sikat nang mga artista, may negosyo pa. Hahaha!

‘Yung bahay na ipinatayo nila o binili, ibebenta nila ng mas doble pa sa kanilang nagastos. O, laban kayo?

At hindi biro ang presyo, dahil P11 milyon ang pinakamababang presyo ng bentahan.

‘Yan ang gimik na pinagkakaabalahan ng mga artistang ito.

Nakakaloka, ha?! Pero inferness, bongga na rin ‘yan, dahil sa panahon ngayon, mahirap ang mawalan ng pera. At mahirap ding magaya sa ibang artistang wala talagang naipundar, dahil pulos gimik, barkada at drugs. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.