Celebrity couple, lahat ng gastos sa okasyon, libre!

NAKAKALOKA ANG CELEBRITY couple na ito. Super hilig kasi nila ang magtipid na kadalasan ay wala na sa lugar.
Kapag may okasyon sa kanilang buhay, naku, asahan ninyong halos lahat ay libre na lang. Talagang inoobliga nila ang kanilang mga kaibigan na magdala ng something para sa okasyon.
At kung makakalusot, gagawin nilang ex-deal ang lahat ng preparasyon sa kanilang okasyong isini-celebrate. Kulang na lang ay libre lahat at presensiya ng lang nila ang kailangan.
Makunat pa nga raw sa inuyat ang mag-asawa. Super tipid sila kaya naman malaki ang natitipid nila sa mga gastusin nila sa bahay.
Naloka nga ang friend namin nang malamang pati ang birthday ng kanilang anak ay halos wala silang ginastos. Pati yata ang venue ay nakuha nila nang libre.
Ganoon sila katinik pagdating sa pagtitipid.
Ang babae ay hindi masyadong visible sa showbiz ngayon pero ang kanyang dyowa ay kilalang-kilala.

(By Alex Brosas)

 

loading...

7 thoughts on “Celebrity couple, lahat ng gastos sa okasyon, libre!

  1. Lalo na nung kasal nila, halos walang ginastos ang mag-asawang eto.  Pati yung venue ng reception, sa place nung ninong nlila ginawa.  Kinuha din nila na ninong nga sikat na artists at ang deal, paintings na lang ang regalo kasi mahilig si JB dito. Nakitira din sila sa bahay ng friend nung friend ko sa US.

  2. Ay kilala ko sila, JB and TB. Kasi, yung friend ko, friend nila kaya alam niya ang lahat-lahat na pangyayari. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.