Celebrity Bloggers To Follow (Part III)

  Rica-Peralejo

Divine-LeeVictor-BasaHABANG TUMATAGAL ay lalong humahaba ang listahan ng mga artistang nahihilig sa pag-blog. May ilang nais ipamahagi sa madla ang kanilang sentimyento sa samu’t saring bagay at i-document ang mga mahahalagang eksena sa kanilang buhay. Meron din namang ilan na todong-todo kung magsulat sa blog dahil kumikita rin sila ng extra sa pamamaraang ito.
Dahil ipinangako ko last week na ito na ang huling bahagi ng ating Celebrity Bloggers series, ibibigay ko sa inyo ang limang blog sites na tiyak Cuckie-Dreyfusna kagigiliwan niyo. Alin ba sa mga blogs na ito ang trip mo?

RICA PERALEJO-BONIFACIO of http://www.ricaperalejo.ph
Numero Uno sa listahan natin ang bagong mommy na si Rica Peralejo! Open book naman ang buhay ng aktres at marami ang hanga sa kanyang ‘transformation’ mula sa pagiging ‘Pantasya ng Bayan’ hanggang sa ito’y maging isang dutiful pastor wife. Makare-relate ang kababaihan sa mga blog entries ni Rica – Travel, Food, Family at ngayo’y Motherhood! Be inspired to live life to the fullest with Rica Peralejo’s ‘Wanders & Wonders’ blog!

DIVINE LEE of http://www.divinemlee.com

Ngayon naman ay dumako tayo sa ‘Beki Queen’ na si Divine Lee. Nag-umpisa ito bilang modelo hanggang tuluyan na nga niyang pinasok ang showbiz via TV5’s showbiz-oriented programs. Bet na bet namin ang blog na ito dahil punong-puno ng fashion finds, freebies at kabaklaan! Gorabels na kayo sa websayt ni Divine kung gusto niyong matawa at mag-isip at the same time. We love this beki… este, girl!

VICTOR BASA of http://www.victorbasa.net
Pahuhuli ba ang dyowa ng Beki Queen? Si Victor Basa na siguro ang isa sa very few models sa ‘Pinas na ‘di lang kakisigan ang ipinakikita sa madla. Aba, the guy can write too! Puro mga lifestyle events naman ang kinakarir ng My Husband’s Lover star. Meron din itong mga artikulo na ang hangarin ay tulungan ang mga lalaki sa pananamit. Way to go, Pogi!

CHUCKIE DREYFUS of http://www.chuckiedreyfus.ph
Naaalala n’yo ba ang child wonder noong dekada 80’s na si Chuckie Dreyfus? Nag-appear ito a few years back sa Survivor Philippines at simula noon ay tumanggap na rin ito ng supporting roles sa iba’t ibang programa ng Kapuso network. Mas active ito ngayon sa blogosphere via the blog ‘All Chucked Up’. Ang lifestyle blog na ito ay punong-puno ng fresh updates lalo na pagdating sa gadgets and technology. Kung ikaw ay kating-kati sa latest gadgets, sundan na ang talented guy na ito!

Whew! Na-kumpleto na natin ang sampu sa pinaka-interesting na Celebrity Blogs sa ‘Pinas! Siguradong maraming artista ang mae-engganyong mag-umpisa ng kani-kanilang blog sites kaya congratulations sa inyo! Be responsible!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.