Celebrity Bloggers to Follow (Part II)

Andi-Eigenmann Bianca-Gonzales Jasmine-CurtisNOONG NAKARAANG linggo ay ibinahagi namin sa inyo ang blogs ng Kapuso stars na sina Lauren Young, Mikael Daez at Saab Magalona. Ngayon naman ay dadagdagan namin ang listahan ng tatlo pang celebrity bloggers para madagdagan ang mga websayt na kaaadikan n’yo!

ANDI EIGENMANN (http://andieigengirl.wordpress.com)
Bago pa ito sumikat bilang Agua Bendita at maging isa sa pinaka-kontrobersyal na artista ngayon, kilala na rin sa blogosphere si Andi Eigenmann. Mahilig ito sa photography at pag-document ng kanyang mga life experiences and realizations kaya nakatutuwang basahin. Ilang beses na itong nagpalipat-lipat ng blog site dahil sa mga haters na nanggugulo, pero kung sadyang isa kang tunay na blogista, hindi mo na talaga ito matatalikuran. ‘Yan na siguro ang kaso ngayon ni Andi. Don’t stop blogging, gurl! We love you!

BIANCA GONZALES (http://www.iamsuperbianca.com)
Si Bianca Gonzales na siguro ang pinaka-beterano sa larangan ng pagbo-blog. Hindi pa sikat ang Facebook, Twitter, Instagram o kahit MySpace ay aktibo nang blogger ang morena beauty. Marami na itong followers bago ito pumasok sa Bahay ni Kuya bilang housemate sa PBB Celebrity Edition Season 1. Madalang na itong mag-update ng blog ngayon dahil sa dami ng raket, pero litaw na litaw pa rin ang kanyang pagka-bibo at halos walang halong advertisements ang kanyang blog. Keep inspiring your readers, Ate Bianca!

JASMINE CURTIS-SMITH (http://jascurtissmith.tumblr.com)
Kung noon ay ‘younger sister ni Anne’ ang madalas na tawag kay Jasmine Curtis-Smith, masasabi natin na ngayon ay isa na itong ganap na aktres. Aba, siya lang naman ang nakasungkit ng Best Supporting Actress Award last year sa Cinemalaya Film Festival para sa pelikulang Transit, ‘noh! For sure ay mano-nominate din ito sa iba’t ibang award-giving bodies this year. Maliban sa kanyang commitments sa TV5, committed din ang prinsesa sa kanyang Tumblr blog. Dito ninyo makikita na may sense ang bagets na ito. Keep it up, Jas!

Tres Marias rocks the blogsphere! Abangan next week ang apat pang magku-kumpleto sa listahan ng mga blogs ng artistang worth-reading. Ciao!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.