Celebrity Bloggers To Follow (Part 1)

Mikael-Daez Lauren-Young Saab-Magalona ANG BLOGGING ay isang popular na pamamaraan ng mga netizens para i-broadcast sa buong mundo ang kanilang mga kuro-kuro tungkol sa samu’t saring bagay. Sa katunayan nga, ang pagti-tweet at Paggamit ng Instagram ay tinatawag na ‘microblogging’.
Iba’t iba ang klase ng blog na makikita sa Internet. Habang halos lahat na ‘ata ng celebrities ay reachable na sa pamamagitan ng Twitter at Instagram, may ilan ding nabiyayaan ng angking sipag at tiyaga para mag-setup ng sarili nilang blog. Hindi lamang sila nagpo-post ng pictures, kundi nagsusulat din sila ng mahaba-habang artikulo, huh!
Gusto naming ibahagi ang ilan sa celebrity blogs na aming sinundan noong nakaraang taon. Bakit nga ba sila nag-standout sa blogosphere? Check ‘em out!

SAAB MAGALONA of http://www.spellsaab.com
Si Saab Magalona ay madalas na nang-aapi ng Kapuso stars sa telebisyon. Pero siya na siguro ang pinakagalanteng celebrity blogger ngayon. Halos every week ay updated ang kanyang blog at madalas pa nga na may mga pa-kontes ito, huh! Hindi rin matatawaran ang kanyang skills sa photography at may sense ang kanyang mga post. Hindi puro PR or advertorials ang laman. Kung kasing edad mo ang dalaga, makare-relate ka sa ilan sa kanyang blog entries.

MIKAEL DAEZ of http://www.mikaeldaez.com
Si Mikael Daez na siguro ang isa sa fast-rising actors sa bakuran ng Siyete. Nag-umpisa ito bilang teleserye actor, hanggang sa mabigyan ng pagkakataong magpatawa sa Bubble Gang at maging host sa Midnight Snack, ang food trip segment ng late-night new program na Saksi. Sa kanyang blog niya pino-post ang ilan sa mga litratong kuha sa kanyang TV shows, food trips and other travel adventures. Isa siya sa mga artistang napaka-rare dahil hindi lang basta pagpapa-kyut sa kamera ang kayang gawin.

LAUREN YOUNG http://loyoung.tumblr.com

Like her older sister Megan, may sariling blog din si Lauren. Nagustuhan namin ang kanyang Tumblr blog dahil sa mga larawan at in-your-face blog entries. Walang kiyeme ang bagets sa pag-post ng kanyang saloobin tungkol sa samu’t saring bagay. Tumamlay ang pag-update ng dalaga sa kanyang blog dahil nagkasunud-sunod ang TV projects nya. Ang paborito namin sa mga current entry niya ay ang tungkol sa mundo ng showbiz at PR. Gora na lang kayo sa site niya at hanapin ang nasabing artikulo. Boom!

(to be continued)

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.