Celebrities, bumuhos din: John Mayer concert, ‘di pinigil ng ulan!

HINDI NAPIGILAN NG malakas na ulan ang pagbuhos ng showbiz celebrities at personalities sa nakaraang one-night concert ni John Mayer na ginanap sa SM Mall of Asia Concert Grounds noong Biyernes.

Siyempre pa mega sightings kami sa mga artistang kasama ang kani-kaniyang dyowa. First celebrity na na-sight namin is non other than Kapuso host Drew Arellano na nag-iisa. Enter naman si Jericho Rosales na nag iisa rin, at tipong nagmamadaling pumasok sa concert grounds.

Hindi naman namin halos makilala si Gary Valenciano dahil sa sombrero nito. Pero siyempre, hindi siya nakaligtas sa amin, at tinanong namin kung isa rin siyang John Mayer fan. Sabi niya: “‘Eto, inalalayan ko lang ang aking daughter na si Keana, kasi sobrang fan siya ni John Mayer.” Ayun naman pala at bodyguard lang pala si Daddy Gary V.

Sumugod din sa ulanan ang couple na sina Sam YG aka Shivaker with Daiana Menezes syempre, kaya hayan ang katibayan na going strong pa rin ang dalawa at walang hiwalayang nangyayari. Mag-isa namang naglalakad at basang-basa na si Yasmien Kurdi, hindi na napansin ng mga usisero na celeb ito kasi nga chubby.

Sightings din ang magkapatid na Maxene at Elmo Magalona, at sa pagmamadali, nahirapan pa si Maxene na hanapin sa bag niya ang mga tiket nila. Present din ang mga singer na sina Champ Lui Pio ng Hale, Mark Escueta at Sabado Boys.

Pero ang surprise na dumating, si Ms. Liz Almoro, dating asawa ni Willie Revillame, kasama si Victor Aliwalas. Sobrang sweet ang dalawa, magkasukob sa isang payong at naglalakad sa gitna ng malakas na ulan at pagdating sa gate, na-hold sila, kasi mukhang mali ‘yung tiket ni Victor. Ayun nakipag-usap nang matagal si Victor sa mga guard at si Liz, mega hintay at tanaw kay Victor. In short, walang nangyari, hindi sila pinapasok sa platinum/gold gate. Kaya para makaiwas na matanong namin, nagmamadali na silang umalis at muling lumakad na magkasukob sa gitna ng malakas na ulan.

By Gary de Leon

Photos by Mark Atienza & Ricky Agapito

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Celebrities, bumuhos din: John Mayer concert, ‘di pinigil ng ulan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.