“Celebrice” ng PhilRice, Tampok sa Pagdiriwang

SA PAGPAPATULOY ng pagdiriwang ng National Year of the Rice na magtatapos ngayong huling araw nang Disyembre 2013 na pinangungunahan ng Philippine Rice Research Institute-Department of Agriculture, tuloy pa rin hanggang sa susunod na taon ang kanilang kampanya sa promosyon ng brown rice at kamakailan kasama pa sa Lungsod Quezon ang isang celebrity chef.

Tinaguriang “celebrice” o ang kampanya upang ipaalam sa bayan ang kahalagahan ng bigas, palay at kanin at upang turuan ang tao na huwag magsayang ng pagkain ang pangunahing adhikaing isinusulong ng sangay na ito ng Kagawaran ng Pagsasaka.

Ang celebrice ay ka-rugtong ng matatapos na pambansang taon ng bigas na hanggang ngayong taong 2013 lang. Sa buong 2014 ay” celebrice” na ang magiging tagline ng kasalukuyang programang ito. Kabilang sa nagbigay-kulay sa cooking demonstration gamit ang brown rice sa Trinoma Mall sa

Lungsod Quezon ay si Chef Tristan Encarnacion ng Center for Culinary Arts.

Ang PhilRice ay ang research arm ng Kagawaran ng Pagsasaka na nag-aaral ukol sa pagpaparami ng bigas sa bansa na pinangungunahan ni Dr. Eufemio T. Rasco bilang kanilang Executive Director na miyembro rin ng National Academy of Science and Technology.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.