Cedric Lee, sa lugar pa ng manager ni Vhong Navarro na si Direk Chito Roño nahuli

Cedric-LeeNAHULI NA pala si Cedric Lee kasama ang isa pa sa kinasuhan na si Zimmer Ranz.

Natawa talaga ako dahil nahuli pa siya sa Samar na lugar mismo ni Direk Chito Roño na manager ni Vhong Navarro.

Pinaglaruan na lang nga namin na sa lahat ba naman ng lugar, sa Samar pa sila nahuli. Sabi ko nga, hindi kaya si Chito rin ang nagdala sa kanila roon? Hay, naku!

Ayan na! Tuwang-tuwa na ang mga netizens niyan dahil talagang sila ang react nang react kapag may mga pinu-post si Deniece Cornejo sa Instagram account niya, at lalong dumami ang mga haters nila.

Kaya si Deniece na lang ang hinihintay, para tuwang-tuwa lalo ang mga sumusubaybay sa kasong ito at kumakampi kay Vhong.

Nakaka-text namin si Chito, ayaw na niyang pagsalitain si Vhong tungkol sa mabilis na development ng kaso.

Ang abogado na lang niya ang pinapagsalita niya dahil mas alam niya ang takbo ng kaso.

Ang abogado rin ni Cedric ay tahimik din. Kinulit nga ng tawag ng staff namin sa Startalk dedma talaga siya. Hanggang sa pinatay na lang niya ang cellphone niya.

May mga susunod pa raw ng rape case na isasampa laban kay Vhong, pero parang wala namang bisa na ‘yan dahil ang mas hinihintay ay ang kina Cedric at Deniece.

Ang sabi kasi nila, ang dami raw koneksyon ni Cedric, kaya tingnan na lang natin kung uubra siya rito. Siyempre nakatutok dito ang taumbayan kaya tingnan natin ang lakas niya!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Cedric Lee, sa lugar pa ng manager ni Vhong Navarro na si Direk Chito Roño nahuli

  1. Karma is definitely catching up on this bad man. Tinarget pa kasi ang well known personality kaya yon nagka tetse letse na. Hahahahahaha, I believe Vong was made the sacrificial lamb to stop these goons. I hope his child with Vina will not be bullied at school because of her dad.

    • very well said nestor . karma nga naman feeling kasi nitong cedric sya ang batas … madami na syanng nma agrabyado di lang si vhong kudi pati mga babaeng naanakan nya kasama na si vina morales

      • KrisTD, korek, I pity those people who have no connection and no money to defend themselves that he may have wronged and tortured in the past.

Leave a Reply

Your email address will not be published.