Cedric Lee, nagtatago sa Cebu

NAKATANGGAP UMANO ng unverified reports ang National Bureau of Investigation Region 7 na nasa Cebu umano ang isa sa mga akusadong bumugbog sa TV Host-actor na si Vhong Navarro.

Sinabi ni NBI-7 Regional Director Max Salvador na kanyang inihayag na nagsasagawa sila ng pagsusuri kung gaano katotoo ang mga natanggap na report.

Dahil dito binanggit ni Salvador na gagawin nila ang lahat para madakip si Cedric Lee kung sakaling matukoy na nasa Cebu nga.

Matatandaan na pa-balik-balik na sa nasabing lugar ang akusado nang sumali ang kanyang kumpanya sa isang bidding tungkol sa multi-milyong waste to energy project ng kapitolyo pero hindi ito natupad nang nalagay sa kontrobersya si dating Cebu Governor Gwen Garcia dahil sa kasong katiwalian.

Sa ngayon, may standing warrant of arrest pa rin si Cedric Lee mula sa Taguig RTC kasama sina Deniece Cornejo at iba pang sangkot sa kaso.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.