Cedric, humirit ng piyansa

INIHIRIT NG kampo ni Cedric Lee na mahina ang mga ebidensya laban sa kanya kaya dapat siyang mabigyan ng pagkakataong makapagpiyansa sa nasabing kaso.

Ito ay sa kabila ng non-bailable offense sa kasong serious illegal detention na kinakaharap ng negosyante at ng kasamahan nitong si Simeon Raz.

Lumalabas sa inihaing petition to bail ng nasabing kampo, hindi umano maaaring ihanay sa non-bailable offense ang kanilang kinakaharap na kaso.

Maaalala na mula serious physical injuries na maaaring bigyan ng piyansa ay ginawa itong serious illegal detention dahil sa ilang elemento na pasok sa non-bailable crime.

Kahapon iniharap na sina Lee at Raz sa Taguig City Regional Trial Court (RTC), kung saan inaasahang ilalabas ang commitment order kung saan makukulong ang dalawang akusado sa pambubugbog kay Vhong Navarro.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.