Cedric at Deniece, may lookout order na

INILAGAY NA sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration (BI) sina Deniece Millet Cornejo at Cedric Lee na kapwa idinadawit sa pambubugbog at pamba-blackmail sa TV host/actor na si Vhong Navarro.

Kahapon nang maglabas ng lookout bulletin order (LBO) ang Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang sangkot sa harap na rin ng ulat na may nakatakda silang flight pa-Singapore sa Pebrero 6.

Ginawa rin ito ng ahnesiya sa kabila ng pagtiyak ng abogado nina Cornejo at Lee na wala silang balak umalis ng bansa.

Kasama rin sa LBO sina Bernice Lee, kapatid ni Cedric; Ferdinand Guerrero at Zimmer Rance na kasama umano ni Lee nang bugbugin si Navarro sa condominium unit ni Cornejo noong gabi ng Enero 22.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.