Cebu Inmates, Nag-Gangnam Style Dance

 

MULING IPINAKITA ng mga inmate ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) ang kanilang talento sa pagsasayaw sa barangay Kalunasan, Cebu City. Mahigit 1,000 katao ang sumaksi sa isinagawang presentasyon ng mga inmates kung saan sinayaw nila ang mga sikat na awitin at tugtugin tulad ng “We Are the Champion, Do the Hustle, Jump, Fire, Ben, Billy Jeans” at “This Is It” ng King of Pop Michael Jackson, at iba.                                                                                                                                                Ngunit ang mas inaba-ngan ng mga tagapanood ay ang kanilang finale dance na “Gangnam Style” na sumikat sa buong mundo.

Hindi napiligan ng mga manonood ang mapasayaw at mapasigaw ng simulan na ng mga bilanggo ang pagsasayaw sa naturang phenomenon dance.

Sinabi naman ni Vin-ce Rosales, tumatayong choreographer ng CPDRC na aabot sa 1,000 inmates ang nagpakita ng kanilang galing sa pagsasayaw, kung saan sa loob ng tatlong araw lang nila ginawa ang kanilang pag-eensayo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.