Ceasefire sa Senado, Aprub sa Palasyo

IKINATUWA NG Palasyo ang desisyon ng mga senador na tigilan na muna ang bangayan at awayan sa loob ng Senado.

Matatandaan na ma-

tapos ang caucus ng mga mambabatas, nagkasundo silang magpatupad muna ng ceasefire sa batikusan para sa institusyon.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, welcome para sa kanila ang kapasyahan ng mga senador na isantabi ang kanilang personal na hidwaan.

Sinabi ni Valte na mas mabuting pagtuunan na lamang ng Senado ang mga mahahalagang panukalang batas bago matapos ang kanilang sesyon.

Samantala, una nang sinabi ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na handa siyang mag-referee sa pagitan ng mga nagbabangayang mambabatas para tapusin na ang pag-aaway-away ng mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.