Ceasefire sa NPA, 1 Linggo Lang

INAMIN NG Philippine Army (PA) na magtatagal lamang ng isang linggo ang ipatutupad na holiday ceasefire ng gobyerno laban sa New People’s Army (NPA) ngayong darating na Kapaskuhan.

Ayon kay Army spokesman Harold Cabunoc, naghihintay na lamang umano sila sa magiging desisyon ng Palasyo matapos na irekomenda ng AFP at DND ang pagpapatupad nito.

Agad nilang ipatutupad ang ceasefire laban sa NPA na siyang ginagawa naman umano kada taon, kapag naaprubahan na ng Malacañang, ani Cabunoc.

Para lamang sa NPA ang nasabing kasunduan at hindi umano saklaw ang ibang grupo ng mga terorista, dagdag pa ni Cabunoc.

Una nang naghintay ang Malacañang sa advice mula sa AFP o sa DND kung kailangan ang nasabing ceasefire sa mga rebelde tulad ng ginawa noong nakaraang taon. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.