Ceasefire sa MILF, Rebyuhin – Binay

PATULOY ANG PAGLAKAS ng panawagang rebyuhin na ang umiiral na ceasefire agreement sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil sa ilang insidente ng sagupaan na ikinasawi ng mga sundalo at rebelde.

Bagama’t nais niya ng kapayapaan sa rehiyon, nararapat din naman umanong magkaroon ng malinaw na accountabilities ang dalawang panig, upang maparusahan ang lalabag sa kasunduan, ayon kay Vice President Jejomar Binay.

“I strongly urge that we revisit the terms of the ceasefire agreement with the MILF. We should be very clear about accountabilities. Those who violate it should be punished. There should be greater candor, acceptance of responsibilities and a display of good faith,” ani Binay.

Ang Pangalawang Pa-ngulo ay nasa Bangkok, Thailand para sa Asia Pacific Regional Scout committee meeting. Nagpa-abot na rin ang opisyal ng pakikiramay sa mga kaanak ng mga nasawing sundalo.

“I am deeply disturbed by the recent incidents in Mindanao. The lives of gallant soldiers and policemen have been lost and I offer my deepest condolences to their families,” dagdag pa ni Binay.

Sina dating pangulong Fidel Ramos, dating pangulong Joseph Estrada, Sen. Panfilo Lacson at iba pang mga opisyal ay nagbigay na rin ng kani-kanilang panig sa isyu ng sunud-sunod na engkwentro. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.