CDO Blast, Kinondena ng MILF

KINONDENA NG Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pagsabog sa Limketkai Center sa Cagayan De Oro na ikinamatay ng walo at ikinasugat ng 44.

Ayon kay MILF First Vice Chairman Ghazali Jaafar, kontra sila sa karahasan sa mga sibilyan.

Hindi naman nagkomento ang MILF kung layon ng pagsabog na isabotahe ang peace talks sa Mindanao.

Naniniwala si Jaafar na hindi kayang ilihis ng mga terrorist activities ang negosasyon dahil kapwa desidido ang mga kampo na plantsahin ang usapang pangkapayaan.

Hindi naman naniniwala si Jaafar sa mga ulat na idinideklara na umano ng United Nations ang Bangsamoro independence ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Sinabi ni Jaafar na maaaring kilalanin ng UN ang kalayaan ng grupo ngunit hindi ideklara.

Inihayag pa nito na napag-alaman nilang nagsumite ang gobyerno ng Pilipinas ng liham sa Organization of Islamic Conference (OIC) bago ang umano’y deklarasyon ng kalayaan noong Hulyo 25, 2013.

Hindi rin kumbinsido ang MILF official na may sabwatan sina MNLF founder Nur Misuari at Umbra Kato, dating pinuno ng 105th Base Command of the MILF at ngayo’y pinuno ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Samantala, nasa isang pagtitipon umano si Nur Misuari nang tangkaing kunan ng pahayag ukol dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.