CCT Program, ‘Di Mapupulitika

TINIYAK NG Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi magagamit sa katiwalian ang Conditional Cash Transfer (CCT) program ng kanilang tanggapan sa panahon ng kampanya.

Ito ang sinabi ni Pantawid Pamilyang Pilipino Program (PPPP) national deputy project manager Tina Solloso, kasabay ng paggiit na may mga paraan silang inihanda upang maiwasan ang posibleng diversion of funds ng lokal na mga pulitiko.

Kabilang naman sa hakbangin ng DSWD ay ang hindi paglalabas ng pera sa 45 araw ng local campaign period, habang ang ibang proyektong nakapaloob sa naturang programa ay ipagpapatuloy pa rin.

Samantala, nakasaad sa batas na hindi maaa-ring maglabas ng pondo para sa government projects sa panahon ng eleksyon, maliban na kung mabigyan ito ng exemption.

Kaugnay nito, submitted for resolution na ang naturang usapin at inaasahang ilalabas ang pasya sa mga susunod na araw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.