CBCP, Nagpasalamat sa Pagkakaroon ng Bagong Santo Papa

IPINAGBUBUNYI NG Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagkakahirang kay Pope Francis.

Ayon kay Father Marvin Mejia, assistant secretary general ng CBCP, nagpapasalamat ang CBCP sa pagkakaroon ng bagong Santo Papa na gagabay sa 1.2 bilyong Katoliko sa buong mundo,

Sinabi pa ni Mejia na bagong simula sa buong sambayanang Katolika ang pagkakatalaga kay Pope Francis na dapat ipagpasalamat sa Diyos.

Mainam din aniya na isang katulad ni Pope Francis ang naupong lider na nagmula sa sa isang developing country at nalantad sa mga hirap ng buhay na karaniwang nararanasan ng mga ordinasyong tao.

“We are grateful and happy because we have a Pope who comes from a church in a developing country, I don’t say third world, but a Pope who knows and experiences the struggles of the people especially in the developing countries, and he is known for his profound love for the poor.”

“We have a new leader of our faith taht can lead us towards the future especially in the continuing task of the church for its new evangelization,” ani Mejia.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.