CBCP, Nababahala na sa Pagkalat ng Sex Video ng mga Artista

NABABAHALA ANG Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa sunod-sunod na pagsulpot ng sex video ng ilang personalidad sa showbiz.

Sinabi ni Fr. Melvin Castro, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life na nakalulungkot na dumarami ang mga artistang may sex video scandal.

Dahil dito, umapela si Castro sa mga nasa showbiz na maging ehemplo lalo pa’t maraming kabataan ang umiidolo sa kanila.

Nanawagan din si Castro sa mga showbiz personality na huwag gumawa ng mga bagay na labag sa moralidad na maaaring tularan ng mga kabataan.

Matatandaan na kamakailan ay kumalat sa internet ang sex video scandal ng umano’y noontime show host at komedyanteng si Wally Bayola at umano’y EB Babe dancer na si Yosh.

Samantala, una na ring lumutang ang sex video nina Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda at kasintahang si Neri Naig at ilan pang sex video ng ilang artista sa nagdaang mga taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.