CBCP, Excited na sa Susunod na Santo Papa

EXCITED NA ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mahihirang na bagong Santo Papa.

Naniniwala si Father Francis Lucas, execurive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media na hindi magtatagal ang botohan. Posible aniyang tumagal lang ng tatlong araw o hindi na aabot pa ng isang linggo at magkakaron na ng bagong Santo Papa.

Sinabi ni Lucas na sa tingin niya, malabong makahirang agad ng bagong lider ng Simbahan sa unang botohan pa lamang na naganap sa Vatican.

Samantala, sinabayan naman ng vigil ng grupo ng kabataan sa Arzobispado de Manila, Chapel of the Roman Catholic Archdiocese of Manila sa Intramuros, Maynila ang conclave sa Sistine Chapel para humirang ng bagong Santo Papa.

Sa pagtaguyod ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Media Office at ng Episcopal Commission on Youth na pinangunahan ng Manila Youth Pinoy ang Prayer for the Pope vigil.

Isa ring Eucharistic celebration ang ginawa na pinangunahan naman ni Msgr. Pedro Quitorio III, director ng Media Office ng CBCP na sinundan ng oras-oras na pagdarasal hanggang alas-12:00 ng hatinggabi.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.