CBCP, dismayado kay P-noy

DISMAYADO ANG Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa na-ging pahayag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa responsible parenthood.

Sinabi ni Father Melvin Castro, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life na  malinaw sa inihayag ng Pangulo na hindi kalusugan ang tumbok ng responsible parenthood kundi ang pagsusulong nito sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Bill.

Lumulusot pa umano ang Pangulo sa pagtatanggol sa RH Bill matapos nitong ihayag na madaling matutugunan ang problema sa kakulangan ng mga gamit sa eskuwelahan kung tuturuan ng responsible parenting ang bawat magulang.

Malinaw na ang Responsible Parenthood bill na isinusulong ng Pangulo ay isang population control bill na patuloy nilang tututulan, dagdag pa ni Castro. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.