Catholic is not the Church!

PUNAHIN MUNA NATIN ang terminong ginagamit ng Simbahang Katoliko sa tuwing may usapin silang idinidiin sa ating pamahalaan.

Kesyo… “ito ang paninindigan ng Simbahan”!

Namputsa naman, parekoy, sa dami ng relihiyon o simbahan na naglipana ngayon sa ating bansa, ang iba nga mas aktibo pa kesa Simbahang Katoliko… tapos aangkinin nila na ang kanilang sinasabi ang siyang pananaw o “stand” ng Simbahan?

Dapat ang sabihin nila ay… “ito ang pananaw ng Katoliko”!!!

Hindi ‘yong… “ito ang pananaw ng Simbahan”!!!

Mali ‘yan!

Siyanga pala, parekoy, magbalik-tanaw muna tayo… bakit mariin ang kautusan sa Philippine Constitution na gumagarantiya sa “paghihiwalay” ng Simbahan at Pamahalaan?

Dati na kasi silang nagsama, kaya nga pinaghiwalay dahil walang idinulot na maganda!

Kaya nga minabuti ng “framers” ng ating Saligang Batas na tiyaking hindi na maulit ang mga kaganapan noon sa ating bansa kung saan ang Katoliko ang siyang dumidikta sa pamahalaan.

Dahil isa lamang si Gat. Jose Rizal sa naging biktima ng “pinagsamang p’wersa” noon ng Pamahalaan at (Simbahang) Katoliko!

Dapat nga, parekoy hindi “separation” ang ginamit sa Constitution para paghiwalayin ang Simbahan at Pamahalaan.

Mas angkop sigurong gamitin ang terminong “Divorce”… hek, hek, hek!!!

Kaya naman nagpapasalamat tayo kay P-Noy sa kanyang desisyon na hindi magpa-impluwensiya sa Katoliko.

Kahit pinagbantaan pa siyang i-excommunicate!

Alam kasi ng ating Pangulo na hindi siya presidente ng Katoliko at/o ng iba’t ibang simbahan o relihiyon sa ating bansa.

Kundi siya ay Pangulo ng buong bansa!

Sa ganang atin, ang anumang bagay, parekoy, na idineklarang legal ng Pamahalaan ngunit hindi naaayon sa “batas-pananampalataya” ng isang simbahan, ay may tamang lugar kung saan at kailan nila ito dapat kontrahin na hindi kinakailangang “lamukusin” nila ang ating Pamahalaan.

Ang kanilang “pulpito”, parekoy, ang mabisang “venue” upang ilahad nila ang anumang bagay na hindi nila nais gawin ng kanilang mga kasapi.

‘Yun nga lang, baka naman duda ang mga Obispong ito na hindi nirerespeto o sinusunod ng mga Katoliko ang tinig na kanilang naririnig sa “pulpito”!!! He, he, he.

Gayunpaman, may suhestiyon tayo, parekoy, upang hindi na makialam ang Simbahang Katoliko sa Reproductive Health Bill.

Ang ayaw lang naman kasi ng mga Obispo ay ‘yung mga “artificial contraceptives” gaya ng IUD, pills, tubal ligation, vasectomy at condom.

(Naku ha, eh mas mabili nga sa mga pari ang condom… hak, hak, hak!!!)

Heto, parekoy, ang ating suhestiyon.

Ang lahat ng family planning method na inaayawan ng Katoliko ay lagyan ng tatak… “BAWAL SA KATOLIKO.”

Halimbawa sa sigarilyo . . . “cigarrette smoking is dangerous to your health.”

Sa condom naman, ang ilagay ay “ANG CONDOM AY MASAMA SA MGA KATOLIKO.”

Oh, ‘di ba mas parehas ‘yon, parekoy? Hindi na sila nakialam sa ibang relihiyon o simbahan, hindi pa sila nakikipagsalpukan sa Pamahalaan!

At naipagdidiinan pa nila ang doktrina ng Katoliko…

‘Yun nga lang, parekoy, baka maubusan sila ng miyembro! Hak, hak, hak!!!

jabriones10@yahoo.com
09152121303

Target
ni June Briones

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.