Catch me…I’m in Love, Hinusgahan na!

MATAPOS ANG MATAGAL na paghihintay (matagal daw, o) he-he eh, heto na nga’t ginanap na ang premiere night ng first movie team-up nina Sarah Geronimo at Papa Gerald Anderson, ang Catch Me…I’m in Love na isang pelikulang puno ng love and romance. Ito rin ang kauna-unahang exposure sa pelikula ni Papa Matteo Guidicelli. Nagbabalik rin ang isa sa award winning actress natin na si Dawn Zulueta para sa isang mahalagang role. Hindi rin matatawaran dito ang akting ni Papa Christopher de Leon na mayroon ring special role na ginampanan. Kasama sa cast ng pelikula sina Arlene Muhlach, Joey

Marquez, Ketchup Eusebio, Dino Imperial, Janus del Prado, Charee Pineda at marami pang iba sa

direksyon siyempre ni Mae Cruz.

Hinusgahan na nga ng madlang pipol na nakapanood ang pelikulang ito nina Sarah at Papa Gerald,

hmmm… ano kaya ang rebyu nila? Pasable naman ba sa kanila ang bagong loveteam? Kayo na ang humusga, mga kaparazzi. Samantala, narito ang ilang nakatutuwang eksena nang gabing ‘yon, he-he. May nakaliligtas ba sa mga mata ng aming kamerang-gala?

Parazzi Wires Photos

Ni MK Caguingin

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

2 thoughts on “Catch me…I’m in Love, Hinusgahan na!

  1. napakasayang movie ang catch me i’m in love. grabe ang nakaka-kilig scenes ng Sarah at Gerald, bagay sila! ‘yung mga “i love you” scenes ni Gerald natural na natural, ang sarap panoorin ulit!

Leave a Reply

Your email address will not be published.