Catbalogan city jail, inatake ng NPA, 1 sugatan

MULI NA NAMANG umiskor ang umano’y miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) kontra pamahalaan nang salakayin ng mga ito ang Catbalogan City Jail saka pinagnakawan ng armas, kagamitan at salapi kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. sampung armadong lalaki ang lumusob sa BJMP-Catbalogan City facility sa Barangay Lagundi alas-7:30 ng gabi.

Dahil nagulantang, hindi na nakaporma ang mga guwardiya subalit nasugatan si JO2 Roberto Lim na tinamaan ng punglo ng M16 rifle.

“Initial investigation disclosed that there was no firefight between the suspects and the BJMP personnel manning the jail,” ayon kay Cruz.

Sinasabing nang mapasok ng mga rebelde ang kulungan ay pinadapa ang mga jail guard at sinamantala ito para kunin ang tatlong baril, dalawang laptop at isang wallet na naglalaman ng P10,000.

Makaraang makuha ang target na armas at kagamitan ay tumakas agad ang mga rebelde patungo sa direksyon ng Brgy. Pena sa nasabi ring lungsod.

Ginagamot naman sa Samar Provincial Hospital ang sugatan na si Lim.

Samantala, isa sa mga sumalakay ay nakilalang si Gaben alyas Manok na da-ting nakakulong sa lugar.  (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.