Casualties at Survivor sa Lumubog na Barko sa Cebu, Nilinaw; Missing, Tumaas

NILINAW NG mga kinauukulan ang kabuuang bilang ng mga namatay, nawawala at nakaligtas sa paglubog ng barko sa Cebu.

Base sa pagkukumpara ng mga datos ng Philippine Coast Guard (PCG), 2GO Shipping at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nadiskubre ang pagkakadoble ng ilang pa-ngalan ng mga pasahero.

Dahil dito, bumaba sa 629 mula sa 644 ang bi-

lang ng nakaligtas habang umakyat naman 57 ang nawawala mula sa 39.

Nasa 81 pa rin ang bilang ng mga narekober na bangkay sa lumubog na barko.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang operasyon ng divers sa karagatan.

Samantala, sinabi ni Commander Weniel Azcuna ng Cebu Coastguard na 50%-60% ng lumubog na MV St. Thomas Aquinas ang nagalugad na ng technical divers. Sunod na pupuntiryahin ng operasyon ang port side.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.