Casting Agent ni Richard Yap, Kinasuhan ng Tax Evasion

NAHAHARAP SA kasong tax evasion sa Department of Justice (DoJ) ang isang Makati-based casting agency at isang trader na siyang agent ng aktor na si Richard Yap o mas kilala bilang Papa Chen at Sir Chief.

Kaugnay nito, kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Angelica Bonnevie Mara, ang may-ari ng Model Shop Casting Studio dahil sa paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code dahil sa kabiguan nitong magbayad ng tamang buwis.

Samantala, kabilang sa mga kilalang kliyente ng naturang kumpanya ay ang Jollibee Foods, BayanTel, Chowking, Ajinomoto, Avon, Colgate-Palmolive Philippines, GMA Network, Inc., Tupperware, United Laboratories at Universal Robina Corp.

Umaabot naman sa P6.6 milyon ang hinahabol na buwis ng gobyerno sa nabanggit na casting agency.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.