Cashless purchase card, gagamitin ng gobyerno

PINANGUNAHAN NI Pa-ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang paglulunsad ng Cashless Purchase Card (CPC) Program, kamakailan.

Sa Good Governance Summit sa Philippine International Convention Center (PICC), ipinaliwanag ng punong ehekutibo na nakapaloob sa bagong sistema ang paggamit ng card, imbes na cash, ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagbili ng i-lang pangangailangan.

“Cashless purchase cards will be issued to agencies, for low-value payments of a restricted number and type of goods and services. They will resemble ordinary credit cards, but will have additional restrictions more suited to the needs of government.”

Sinabi ng pangulo na ang bagong sistemang ito ay bahagi pa rin ng reporma ng gobyerno sa paglaban sa katiwalian.

Ito’y dahil kung may malaki aniyang halaga ng cash ang isang opisina, marami ang matutuksong nakawin o abusuhin ang paggamit nito.

Sa pamamagitan ng cashless purchase cards, umaasa si PNoy na magiging 100% checkless at 80% cashless na ang transaksyon ng pamahalaan bago matapos ang 2014.

Aarangkada ang CPC Program ngayong unang quarter ng taon at kabilang sa mga unang susubok nito ang Department of Budget and Management (DBM), Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Samantala, kung magiging matagumpay aniya ito, bibigyan na rin ng cashless purchase cards ang ibang ahensya ng pamahalaan sa susunod na taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.