Cashier; 2 pa, arestado sa card ng gasolina

 

ISANG KAHERO, KASAMA ang dalawa pang kalalakihan, ang inaresto makaraang madiskubre na ikino-convert sa cash ang Petron Fleet Card na para sa gasolina sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO2 Joel Montebon ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), sinampahan ng kasong Qualified Theft sina Louel Manriquez, 27, may asawa, driver, residente ng No. 6513 Libis Espina, Caloocan City; Relly Boy Manalo, 32, may asawa, helper, ng No. 6263 Libis, Nadura, kapwa empleyado ng RLMU Enterprises, Inc. na matatagpuan sa Lot 4, Block 5, Border House Drive, MIS 3, Barrio Pantok, Meycauayan, Bulacan; at Eman Denosta, 24, binata, ng No. 36 General San Miguel St., Caloocan City,  cashier sa Petron Gasoline Station.

Sa panayam kay PO2 Jonathan David, nagpunta sa kanilang tanggapan si Jemel Deguit, representative ng RLMU Enterprises, makaraang matuklasan nito na ikino-convert sa cash ang Petron Fleet Card sa halip na kargahan ng gasolina ang Mitsubishi 4-wheeler truck (TXX-341) na pag-aari ng nasabing kumpanya at minamaneho ni Manriquez.

Dahil dito, bandang alas-9 ng umaga, pinuntahan nina SPO1 Joselito Barredo at PO2 Michael Anthony  ng SIDMB ang Petron Gasoline Station sa Gen. San Miguel St., Sangandaan, Barangay 4, Caloocan City, kung saan dito nagpapakarga ng gasolina sina Manriquez at Manalo.

Huli sa akto ng mga pulis na ipinalit sa cash na aabot sa P2,000 nina Manalo at Manriquez ang card na kakuntsaba ang kaherong si Denosta at kaagad silang inaresto.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.