Carry mo ‘teh?

SINGLE DAW SI Papa Richard Gutierrez pero may ibang naaamoy ang mga mahadera about sa closeness nila ng Survivor celebrity castaway na si Solenn Heussaff. May ibang spark kapag nagkakatabi ang dalawa kaya napapaisip ang iba kung bakit ayaw pa nilang tuluyang magladlad sa totoong nilalaman ng kanilang mga puso. Umamin na kasi kayo! ‘di naman siguro magagalit si Tita Annabelle, duhba?

May bago nga palang show si Solenn sa News TV former QTV 11 entitled Fashbook, kung saan tatalakayin ang lahat ng may kinalaman sa fashion, lifestyle, etc. Naispatan naman ng aming kamerang-gala na taas-noo pa rin si Solenn habang mega-bitbit ang kanyang mga dala-dalahan. Kahit no help ni Inday at Dodong eh, kering-keri niya ang pagbibitbit ng sariling gamit. Malaki siguro ang naitulong ng magic barbell ni Captain Barbell, ano sa palagay n’yo, mga Kaparazzi? He-he!

Photos by Luz Candaba

Ni MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.