CARNAPPING, PUTAHAN AT SUGALAN SA KYUSI

MAGALING TALAGANG UMASTA itong si QCPD Director Benjardi Mantele sa gitna ng kontro-bersiya sa kanyang area of responsibility…

Bunsod ito, parekoy, sa apat na magkakasunod na kaso ng carnapping sa Kyusi… ang lugar kung saan sa lahat ng kaguluhan ay walang ibang dapat sisihin kundi si Mantele.

“Ang sunud-sunod na pangyayaring ito (carnapping) ay isang paghamon sa aming kakayahan, kaya tinatanggap namin ito.”

‘Yan, parekoy, ang pananalitang binitiwan ni Gen. Mantele… teka lang, ‘di ba may pahayag si Gen. Bacalzo na kapag sa isang lugar ay tatlong beses maganap ang carnapping ay sisibakin ang hepe?

Kaya nga walang angal, parekoy, si Bulacan PNP Provincial Director Fernando Villanueva nang sibakin ito dahil sa carnapping!

Ang tanong ko, bakit hindi sinisibak itong si Gen. Mantele samantalang apat na magkakasunod na carnapping cases ang naganap sa Kyusi sa loob lamang ng maiksing panahon?

KUNG TUTUUSIN, PAREKOY, hindi lamang karnapping ang problemang sumasampal kay Mantele d’yan sa Quezon City.

Talamak din ang putahan d’yan gaya na lamang ng matatagpuan sa loob ng VIP rooms ng Mystique.

Kaya lang, gaya ng ibang “club” sa Kyusi na inoorbitan ni “Papa Mayor”, hindi ito kayang salakayin ni Mantele.

Sabi ng ating tipster, hindi lamang takot itong si Mantele kay Papa Mayor, patong din umano ang lintek na ito!

Kung iligal na sugal naman ang ating hahanapin d’yan sa Kyusi, hindi lingid sa kaalaman ni Gen. Mantele na nagwawagayway na ngayon d’yan ang Jueteng ni Tony Santos na ayon sa ating tipster, hindi rin kayang birahin ni Mantele dahil naka-angkla ito rekta sa opis ni Bistek!!

Kung ganoon, parekoy, bakit kaya ayaw pang umalis bilang QCPD Director itong si Mantele gayong ang kaya na lang pala nitong palakasin d’yan sa Kyusi ay ang sabwatan nila ni Bistek!

Nakakahiya ka na, sir! Pwe!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayong making sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.