Carnapper, patay sa engkuwentro

ISANG HINIHINALANG CARNAPPER ang nasawi nang makipagbarilan sa mga pulis sa Sta Ana, Pampanga, kahapon ng umaga.

Ayon kay Pampanga Police Deputy Director for Operations, Sr. Supt. Benjie Villasis, nakatanggap ng sila flash alarm mula sa Bulacan Police hinggil sa carnapping sa isang Honda Civic na may plate number USX-495.

Nasabat naman sa checkpoint sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sta. Ana ang sasakyan, lulan ang tatlong lalaki.

Sa halip na huminto, binaril ng tatlo ang mga pulis na napilitang gumanti ng putok.

Namatay ang isa sa mga sakay ng kotse habang arestado ang isa at nakatakas ang isa pa makalipas ang ilang minutong bakbakan.    (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.