Carnapper, Kritikal sa Pulis na Biniktima

KRITIKAL ANG isang carnapper habang nakatakas ang kasama matapos barilin ng pulis na biniktima ng mga una sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Milo Dela Cruz, 24, ng San Miguel, Bulacan habang nakatakas ang kasamang si alyas Jay-R.

Sa ulat, alas-7 ng gabi, nasa tapat ng Motortrade sa MacArthur Highway, Malinta ng lungsod ang nakasibilyan na si PO1 Ronald Vincent Villamor ng Northern Police District kasama ang kaibigan nang lapitan ng mga suspek at tutukan ng baril.

Kinuha ng mga suspek ang Yamaha Mio Soul ng biktima bago tumakas subalit nakakuha ng pagkaka-taon si Villamor na mabunot ang baril at paputukan ang mga suspek.

Humingi ng tulong si Villamor sa mga kabaro at agad na sinundan ang mga suspek hanggang sa makitang nakahandusay si Dela Cruz sa kahabaan ng MacArthur Highway, Malinta.

Nasa tabi ni Dela Cruz ang motorsiklo ni Villamor at .357 revolver habang nakatakas naman ang kasama.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.