Carnapper, arestado sa Pampanga

ISA PANG CARNAPPER ang naaresto sa San Fernando City, Pampanga ng Philippine National Police (PNP) dahil sa walang humpay na operasyon laban sa mga kriminal na nag-o-operate sa Region III.

Naaresto ang suspek na si Mc Lester Reyes, residente ng Caloocan City, ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Police Regional Office-3 (PNP-PRO-3) at ng Pampanga Provincial Police Office sa Brgy. Sindalan, San Fernando City.

Ayon sa report, isang Mitsubishi L-200 pick-up ang lumabas sa isang bodega na binabantayan ng otoridad na minamaneho ni Reyes na agad sinundan ng mga pulis at pinabilis ang takbo nang mapansing sinusundan siya at nag-counterflow sa trapik kung kaya’t lalo pa siyang hinabol ng mga pulis hanggang sa masakote.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang Taurus na kalibre .45 na puno ng bala, at ilang mga sasakyan na pinaniniwalaang ninakaw sa motorshop na umano’y inuupahan ni Reyes sa Brgy. Sindalan.

Narekober din sa pinanggalingan nitong bodega ang iba pang sasakyan na kinabibilangan ng isang White Subaru Legacy Sedan na may plakang ULG-245; isang Gray Isuzu Double Cab Elf na walang plaka; isang White/Blue Nissan pick-up na may plakang XDV-607; Blue Toyota Revo na inalis ang plakang XKE-343, na nakaalarma sa Malolos Police Station na pinaniniwalaang ninakaw noong hating-gabi ng Pebrero 22 sa Dahlia St., Alido Subd., Malolos City, Bulacan.

Narekober din ang isang chop-chop na kulay dilaw na Ford Ranger na burado ang chassis number at engine block ng isang Ford Ranger na may motor number WLAT-206115; isa pang putol na chassis assembly ng hindi pa mabatid na sasakyan na walang serial number; isang Trucks Bed/Box ng Nissan Frontier at Toyota Hi-lux; welding machine, mga tangke ng acetylene na may torch, drilling tools, cutting tools, iba’t ibang mechanical tools; maraming  tires at mags para sa iba’t ibang kotse at mga personal na gamit.

Kasong illegal possession of firearms at iba pang kasong kriminal ang inihahanda laban kay Reyes at inaasa-hang maaresto na rin ang iba pang miyembro ni Reyes na pinaniniwalaang kabilang sa Bonifacio Carnapping Group na konektado sa Dominguez Group. (SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.